Monday, April 16, 2007

Way to Spend One's Rest Day

Linggo. Pagkatapos ng isang linggong pagpapakalunod sa trabaho, finally I'll have 2 days of RDs. Inimbitahan ako ni Jeric - isa sa mga bagong agents sa opisina kase BDay daw nya. E since my plans that night isn't until 11 pm pa naman, I accepted the invitation although I have had hesitations at first kasi nasa Tondo daw bahay nila! Ayoko namang umuwi ako na may tumatagas na dugo sa tagiliran ko at may naka-usling punyal sa batok ko. But what the heck, pumayag na rin ako sa kondisyong pagnasaksak ako, magpapasaksak din sya!

So after kong bumili ng gift for him sa Glorietta, nagtaxi na ako papuntang Moriones, Tondo kung saan nandun ung bahay nila. Buti nalang kasama ko si Macky papunta dun kasi I really didn't know the place and kung sakali mang may manaksak, maipapanangga ko si Macky. Kagaya nga ng mga napapanood ko sa mga tagalog movies, nakita kong ganung nga rin ang Tondo. Akalain mong di pa nga kami bumababa ng Taxi, may nadaanan na kaming naghahampasan ng bote sa ulo. I was seriously debating if I made the right decision to die that night! Buti nalang nung sinundo kami at naglakad papunta sa bahay nila Jeric, e wala naman masyadong komosyon. Jeric's parent's were very accommodating at syempre super kwentuhan mga bisita dun. And in fairness, mababait ung mga kamukha ni Paquito Diaz na mga tambay sa labas ng bahay nila. Isa ring napansin ko, sobrang ingay sa Tondo dahil di lang si Jeric ang may painom dahil kahit kapitbahay ng mga kapitnahay ng mga kapitbahay nila - may inmuan din. So hindi lang pala si Jeric ang may BDay that night kundi lahat ng mga kahilera ng bahay nila. Kaloka! Finally, around 12 midnight nagtext na ung ex-lover - ex-ex ko na magmeet na daw kami sa Araneta Starbucks. Sayang, kung kelan pa ako nagumpisang mag-enjoy...

Lunes ng madaling araw. Nagtaxi na ako galing kanila Jeric papunta ng Cubao at akalain mong lasing pala ang matandang taxi driver na nagmamaneho nung bigla itong sumigay ng "Pakyu!" sa driver na nasa unahan namin na saksakan naman ng bagal sa pagmamaneho! At wag ka, nung sumigaw itong matanda, tumilapon pa pustiso nya sabay ibinalik sa bibig nya at sumigaw uli, "tang%!* mo!" Si tatang talaga, sana man lang bago nagsisisigaw, e ibinaba muna sana nya bintana ng taxi para narinig sya! Hmp!

Buti naman at nakarating din ako ng Araneta Cubao ng hindi natatapunan ng pustiso ng drayber. So, my ex and I said "hi" to each other at super awkward ito kasi nga meron na siyang current lover e ako meron din naman mga kaliwa't kanan. Pero sabi nga nya, we we're there to enjoy that night and not think about anything else. So punta kami sa isang bar in Cubao na never ko pang napuntahan and I thought nung nasa labas palang kami e comedy bar sya. But it was obviously not just a comedy bar kasi sa bungad palang ng bar e may naghahalikan na parehong lalaki. At akalain mong pagkapasok ko palang sa entrance e may tumapik sa likod ko, "Sir Yankee, kmusta?" Napalingon ako and saw one of my agents. Well, di ko siya direct report pero we're both in the same account. I was totally surprised at first na may kakilala ako sa lugar na un and primarily because I never thought I'd see him sa bar na yun. We're not really close sa office and the closest we've been were "hi's" and "hello's" whenever we pass by each other. And sa pagkakakilala ko sa kanya, masyado syang "reserved" at tahimik na tao pero, kaloka nung makita ko na syang nakainom at sumasayaw na! Talo pa si Imelda Marcos sa pagka-sociable nya! ang alak nga naman! Pero bilib ako with his guts. Naisayaw nya halos lahat ng mga cute sa bar na un and di lang basta naisayaw! Kung sino ito?! hmmm, sekretong malupit! Sayang, kung di ko nga lang kasama ung ex ko baka ako din naglasing, sumayaw at nag-hanap... hahaha...

1 comment:

Cliogoddess said...

ang sarap! sheet! inggit ako,

its a good thing ur enjoying!

dont let stress and other shit affect u,

go live life!


http://drblogclot.21publish.com/