Tuesday. This marks the start of my day since sun-mon RDs ko. Pagkadating ko sa opisina sandamukal na trabaho na naman nakaabang sa akin syempre dalawang araw akong wala. WFF, coaching, con call, emails to send, timesheet discrepancies at kung anik anik pa! Ito nagaabang sa station ko nung dumating ako...
At di ko pa natatapos lahat ng paperworks, minamadali na ako ng manager ko kasi conference call naman ng sa kliyente namin na kano e sheeeet nakalimutan kong ako pala magprepresent ng data at di ko pa pala narereview! Alangan naman duguin lang ako sa ilong pagtinanong ako ng kliyente. Pakshit, matapos kong magcram sabi ng manager ko cancelled daw con call kasi ni-reset ng client! Grrr...
Wednesday. Muntikan na akong magwating nung makita ko recent bill ko sa GLOBO. I know that I call and text a lot and sometimes I'd get outrageously high bills but this recent bill has totally gone beyond the context of absurdity!
P5000 - Arghhhh...
Thursday. Hindi ako makatulog ng maayos. Maliban sa sobrang init ng panahon, may nagja-jackhammer sa labas ng apartment ko dahil kung anik anik na pipeline ang ginagawa ng gobyerno. Wala naman akong problema dyan kasi at least may napupuntahan ang binabayad kong taxes na halos kalahati ng sweldo ko (sarcasm intended) pero sana naman maglagay sila ng heads up o notice na kakalikutin nila ang kalye sa araw na un!
Caution:
Due to the upcoming election, Mayor Garapal has initiated jackhammering and over-turning of streets. If you want to get a decent sleep, go find yourself a room for the night at Sogo Guadalupe!
Friday.
SMS
Ex: Psst... ano gawa mo? Miss na kita. Meet naman tayo.
Ako: Hindi lang ako sure kasi dami ko pang tatapusin na trabaho.
Ex: Sige na. Inom lang tayo saglit sa Dencios pero kaw
na muna magbayad ha kasi ubos na sweldo ko. Tapos manghihiram
sana ako, ok lang? Sige na Miss na kita. Mwuah!
Biglang na-lowbat cellphone ko...
Saturday. Ako lang yata buhay sa opisina ng gabing 'to kasi kahit saan ako mapalingon may mga natutulog sa upuan nila dahil walang halos calls. I would so love to catch a shut eye myself pero syempre "walk the talk" daw kaya pag inaantok, naghihilamos nalang. Nang biglang may komosyon. Tiningnan ko. Isang agent nahulog sa upuan nya habang natutulog at kahit nahulog na - tulog pa rin. Grabe naman! Masyado nyang dinibdib ung phrase na "sleeping on the floor.!"
Sunday. Don't have enough strength... Mamang driver - Love radio listener... speakers blaring sunday oldies... "my way," "quando, quando"... travel time - 30 mins. Arghhhh...
1 comment:
Hya nku, ako din stressed, sobra, hirap talagang maging maganda choze, natawa nman ako dun sa sleeping on the floor, bwahahaha. u look amazing pa rin nman, wala pang bakas ng stress. no need for stresstabs! ang cute din nung nalowbat cell mo, hehehe
Post a Comment